Bicol region, nakapagtala ng pagtaas na 6.3% inflation rate sa buwan ng agosto 2022 – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) Bicol na sadyang bumilis ang inflation rate sa rehiyon nito lamang buwan ng Agosto sa taong 2022.

Ayon kay Coney Frances Baleda, Statistical Specialist II ng nasabing tanggapan, mabilis ang pagtaas ng inflation rate sa nasabing rehiyon na kung saan pumalo ito ng 6.3% sa buwan ng Agosto, kumpara sa buwan ng Hulyo na nasa 5.6%.

Aniya, patuloy ang pagtaas ng inflation rate sa rehiyon habang ang nasa national ay pababa, kung saan, mula sa 6.4% ay naging 6.3%.

Dagdag nito, mula sa 13 commodities ay 12 na lamang ang kanilang mayroong nakikitang pagtaas ng inflation.

Kabilang sa main Top 3 na mabilis tumaas ang commodities group ay ang housing, water electricity, gas and other fuel, pumangalawa ay ang Food and non-alcoholic beverages at ang ikatlo personal care, and misillaneous and good services Sinabi ng opisyal ang mga nabanggit na top 3 commodities, sila ang pinakamabilis tumaas na presyo na mga bilihin tulad ng bill sa kuryente, pintura, itlog, asukal, gulay at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *