Bicolano, nagbahagi ng karansan matapos ang 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan

CAMARINES SUR- Nagsilabasan ang mga empleyado ng isang kompanya sa Kaohsiung City, Taiwan matapos na maramdaman ang pagyanig dulot ng 7.5 Magnitude na lindol sa Hualien City.

Ito ang kuwento sa Brigada News FM Naga ni Joseph Bajado na residente ng Bombon, Camarines Sur, medyo may kalayuan ang kanilang pinagtatrabahuhan sa epicenter, pero ramdam na ramdam nila pag-uga at kita rin ang paggalaw ng mga poste. Nasa ligtas naman silang kalagayan pati iba pang Bicolanong kasamahan.

Samantala, tanghali ng Miyerkules, April 3, 2024, binawi na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang in-issue nitong tsunami warning sa iba’t ibang coastal areas sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *