Bicolanong Dermatologist nagpapaalala kontra IV Gluta Drip

CAMARINES SUR- Ilegal at hindi dapat gawin ng kahit na sinumang indibidwal ang pagtuturok ng intravenous (IV) Gluta Drip nang walang gabay ng isang physician, ito ang paalala ng isang Bicolanong dermatologist sa publiko sa gitna ng kontrobersyal na larawang ibinahagi sa social media ng isang asawa ng senador.

Ayon kay Mary Jane  Guanzon-Uy ng Philippine Dermatological Society, ang nasabing gawain ay paglabag sa legal practice of medicine at itinuturing na illegal alinsunod sa batas.

“Marami na ang nagpapa-IV Gluta Drip, and that is illegal practice of medicine. I was talking to nurses, and I found out that they (Nurses) are not allowed to do IV [Gluta] Drip without physician’s supervision,” ani Uy.

Kaugnay nito, nagbigay na rin ng pahayag ang Department of Health, kalakip ang advisory na inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) taong 2019, na nagsasabing wala pang clinical trials na ipinapalabas para sa paggamit ng glutathione bilang pampaputi.

Matatandaan na sumiklab ang kontrobersiya online, makalipas na ibahagi sa social media ng aktres at host na si Mariel Padilla ang kanyang paggamit nito sa loob mismo ng senado, na una na ring humingi ng pasensya at nilinaw na vitamin C drip lamang ang nasa larawan at hindi gluta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *