Bicolanong historyador, pangungunahan ang pananaliksik sa buhay ng isang paring kandidato sa pagkasanto

CAMARINES SUR — Pangungunahan ng Bikolanong historyador na si Prof. Danny Gerona, ang pananaliksik at pagsisiyasat sa buhay at kasaysayan ng isang paring martir na nasa proseso ngayon ng pagiging santo.

Kasunod ito ng pag-anunsyo ng Postulator General ng Vatican sa sampung indibidwal, kabilang ang isang misyonaryong Augustinian na si  Fray Diego de Herrera, na pinaniwalaang kabilang sa mga nakaligatas  sa nangyaring aksidente noong Abril 1576 at napadpad sa baybaying komunidad sa Catanduanes, kung saan siya napaslang ng mga katutubo.

Sa ibinahaging post ni Gerona, makakasama niya sa historical committee na ito ng Augustinian Order in the Philippines, sa pakikipag-ugnayan sa Diocese of Virac at aprobasyon ng Postulator General of the Vatican, ang mga historyador na sina Dr. Chas Navarro ng Ateneo de Manila University, at Fr. Dedert  Duarte, Chancellor of the Diocese of Capiz.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan at pananaliksik ng komite hinggil sa buhay at kasaysayan ng paring martir, kabilang na ang pagtitipun-tipon ng mga dokumentong galing pa sa Vatican, Spain at Mexico.

“For this,  we  hope to establish links with historians from these places who could provide us “leads” to these sources,” ani Gerona sa kanyang pahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *