Bida bakunado, manalo ng kotseng pampremyo sa Calaca, Batangas

Batangas -Bida ang bakunado, mananalo ng kotse, alagang baka at pangkabuhayan showcase ang mga kumpleto na ang bakuna sa inilunsad na raffle papremyo ng lokal na pamahalaan ng Calaca, Batangas.

Sa facebook page ng Calaca Mayor Nas Ona inihayag nito ang papremyo para sa mga fully vaccinated na Calaquenyo kung saan isasagawa ang grand reffle draw sa Marso 25. 2022.

Bukas sa lahat ng mga kumpletong bakunado ang nasabing raffle, naglalayon din ito upang mahikayat ang mga Calaquenyo na magpabakuna upang makamit ang herd immunity sa nalalapit ng maging siyudad na Calaca sa Batangas.

Naghihikayat din ito sa mga Calaquenyo na balikan ang ikalawang dose ng kanilang bakuna upang makumpleto ang proteksyon kontra Covid19.

Kinakailangan kasi mabakunahan ang tinatayang target na 23,000 Calaqueno mula sa halos 85,000 populasyon upang makuha ang minimithing herd immunity.

Sa kasalukuyan, sinasabing nasa 8,527 pa lamang ang nababakunahan sa Calaca, kasabay na ang panawagan ng lokal na pamahalaan na magtuloy-tuloy din ang suplay ng bakuna mula sa pamahalaang nasyunal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *