BIDA Program, naging matagumpay – DILG

Inilarawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang taong 2023 bilang ‘prolific year’ para sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagtugon sa ilegal na droga.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., naanot ng anti-drug program na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) ang 15 mga rehiyon, kung saan aabot sa 230,000 katao ang nakiisa.

Dagdag pa niya, naging bagong mukha ng kampanya kontra ilegal na droga ang naturang programa.

Binigyang-diin ni Abalos na nagawa nilang madala ang diwa ng BIDA sa mga komunidad sa loob lamang ng isang taon matapos itong ilunsad.

Sa huli, tiniyak ng kalihim sa publiko na magpapatuloy silang palakasin ang kampanyang nasimulan ng programa sa tulong ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *