Biden lumagda ng EO para pigilan ang detention, hostage-taking sa mga Americans

Lumagda si President Joe Biden ng executive order na naglalayung pigilan at patawan ng parusa ang wrongful detention ng mga US citizens abroad, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga government agencies na magpataw ng sanctions at iba pang measures.

Mababatid na nahaharap si Biden sa tumataas na pressure mula sa pamilya ng mga hostages at detainees, partikular na sa kaso ni WNBA star Brittney Griner, na hawak ng Russia simula noong Pebrero, at nililitis dahil sa drug charges.

Ang lumalampayang alyasan sa pagitan ng United States at Russia, dahil sa Ukraine war ay lalo nagpahigpit sa naturang detention at paglala ng isyu.

Ayon sa James W. Foley Legacy Foundation, mahigit 60 US citizens ang ilegal na nakakulong sa halos 18 bansa, kung saan ilan sa mga ito ay mahigit dekada na.

Kaugnay nito, committed aman si Biden na maresolba ang lahat ng naturang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *