Big-time oil price hike, kasado bukas; MERALCO, may bawas-singil naman ngayong Oktubre

Matapos ang limang linggong sunud-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo – simula bukas ay asahan naman ang bigtime na price hike!

Sa abiso, mayroong dagdag na P6.85 sa kada litro ng Diesel.

Mayroon ding umentong P3.50 sa kada litro ng Kerosene; at P1.20 na dagdag sa kada litro ng gasolina.

Alas-sais bukas ng umaga ay epektibo ito sa Shell, SeaOil, PetroGazz, UniOil, Jetti, at PTT; habang hatinggabi naman sa Caltex; at alas-otso sa CleanFuel.

Ngayong hapon ay inaasahang mag-aanunsyo na rin ang iba pang oil companies.

Meralco, may bawas-singil sa October billing

Kung may bad news sa mga motorista – good news naman sa mga konsyumer ng Meralco dahil asahan ang bawas-singil sa inyong October billing.

Sa abiso, mayroong bawas na P0.073 per kiloWatt hour sa susunod na billing sa mga Meralco consumers.

Ibig-sabihin, kung ang inyong tahanan ay kumokonsumo ng 200kWh, mayroong aaahang P15 na bawas-singil.

P22 naman ang bawas sa mga kumokonsumo ng 300kWh; P29 sa mga kumokonsumo ng 400kWh; at P36 sa mga tahanang mayroong 500kWh na konsumo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *