Bigas imbis na pera para sa 4Ps members, “logically hard” – ayon sa DSWD

Hindi isinasara ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang posibilidad na bigas na lang ang ibigay sa mga 4Ps beneficiaries.

Sa Press briefing sa Malacañang kaninang umaga, binanggit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na maituturing na “logistically hard” ang pagpapatupad nito.

Ilan kasi anya sa mga ikinokonsidera nila kung bakit mahirap itong iimplementa, ay dahil kalat-kalat ang mga benepisyaryo, at kadalasan mga nanay pa ang dumadalo sa mga family development session.

Gayundin ang storage na paglalagyan ng mga bigas.

Pero patuloy anya silang nakikipag usap sa Department of Agriculture kung papaano ito maiimplementa.

Inaaral din daw kasi nila kung papaano matutulungan ang mga magsasaka.

Dagdag pa ng opisyal, susundin nila ang palaging sinasabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi dapat pahirapan ang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo.

Nabatid na inirekomenda ni DA Usec. Roger Navarro na maaaring makatulong para mapababa ang inflation kung bigas ang ibigay sa 4ps member sa halip na pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *