Bigas posibleng tumaas ng P3.00-P4.00 per kilo – SINAG

Nagbabala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike.

Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So maaring tumaas ng P3.00 hangang P4.00 ang kada kilo ng bigas bunsod ng mataas na transportation cost ng mga magsasaka.

Maliban dito dumagdag din ayon kay So ang pagtaas sa presyo ng mga fertilizer.

Aniya ang mga pataba sa Pilipinas katulad ng ‘urea’ ay inaangkat din mula sa mga bansang nagpro-produce ng langis.

Nanawagan naman si So sa pamahalaan na gawin ang makakaya nito para mapigilan ang labis na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo katulad ng pagtanggal sa excise tax at 12 percent VAT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *