Biggest loser contest, inilunsad sa kapitolyo ng So.Cot

KORONADAL CITY – OBESE ang 60% na mga empleyado sa provincial capitol ng South Cotabato. Ayon kay Provincial Human Resource Management Officer (PHRMO) Fredaliza Gazo na batay sa profiling sa 2,780 employees, 1,674 sa mga ito ang obese o sobra na ang katabaan. Samantala, 17.1 % naman o 475 ang overweight, at 593 lamang o 21.3% ang mayroong normal na body weight.

Dahil dito, inilunsad ng PHRMO ang weight management program na may titulong “Push mo yan, paliitin ang tiyan: Rebody for a Sexier Tummy (RST)”. Layon nito na mahikayat ang mga empleyado na magkaroon ng healthy lifestyle upang makaiwas sa mga sakit.

Naglaan ng P 1 million si Governor Reynaldo Tamayo Jr mula sa sarili nitong bulsa para sa premyo ng mga empleyado na may pinakamalaking ibinaba sa kanilang timbang, waist circumference at resulta ng kanilang medical laboratory.

Ito ay may dalawang kategorya, ang group o office category at individual category. Naniniwala ang gobernador na kung malusog ang pangangatawan nga mga empleyado, mas makakapagtrabaho ang mga ito ng maayos.

Nagpahayag naman ng pledge of commitment ang lahat nga mga kawani ng provincial government sa nasabing programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *