Biktima ng April Fools prank, nagpa-tattoo sa noo para sa P100,000

Viral ngayong ang nabiktima ng isang April Fools prank na bigong makuha ang kanyang inaasam.

Tinotoo kasi ng isang lalaki ang ang paglalagay ng tattoo sa noo ng logo ng isang takoyaki brand kapalit ang P100,000.

Nagawa lang daw ito ng lalaki dahil kailangan na kailangan kasi niya ang premyo para sa pag-aaral ng kaniyang anak at isa pang anak na may Down Syndrome.

Ngunit nang mabigo siyang makuha ang pera, nag viral ito sa social media, kung saan pinutakte ng batikos ang may-ari ng shop.

Sa huli, nagbigay din ang may-ari ng P100,000 sa lalaki.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *