Biktima ng violence against women and their children sa Naga City bumaba kumpara sa nakaraang taong 2023

NAGA CITY – May pagbaba sa datus o bilang ng mga naitatalang naaabusong biktima ng karahasan sa mga babae at sa mga bata sa Naga City sa unang dalawang buwan ng taong 2024, kumpara sa nakaraang taong 2023.

Ayon ito sa talaan ng Bantay Familia na inihayag sa media at sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Gilda Gayle Abonal Gomez, Chairman ng Family and Children sa konseho at siyang nangangalaga sa mga biktima ng Violence Against Women and Their Children.

Nabanggit niya na alam na ng mga babae at ng mga bata ang kanilang karapatan kung saan magsusumbong kung ang mga ito ay nakakaranas ng anumang pang-aabuso, pisikal man o sekswal.

Tuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga school guidance counselor para sa batang nakakaranas ng ganitong problema at isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *