Bilang mga pulis sa Naga City  sapat sa pina-igting na seguridad-Alkalde

NAGA CITY- Sapat ang bilang ng mga pulis sa Naga City kahit na pina-igting ang seguridad.

Ito ang pagtataya ni Mayor Son Legacion kasunod nang istrikong pagpapatupad sa police visibility at police presence. Ayon sa alkalde sa bilang na 915 mula sa Naga City Director hanggang sa Patrolman walang rason upang hindi ito maging sapat lalo na mayroong deployment plan.

Mababatid na tinututukan ang seguridad matapos ang mga krimen lalo na ang nangyari sa Grade 11 Senior High School Student.

Ang lungsod ay may anim na police stations , idagdag pa rito ang ilang mag units tulad ng City Mobile Force Company at Traffic Management Unit at iba pa.

Kamakailan lamang nang  gawaran ng pagkilala ang Naga City Police Office bilang Outstanding CPO  for the Calendar Year 2023 sa Region 5  kaugnay ng pagdiriwang ng 28th Police Community Relations Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *