Bilang ng COVID-19 cases sa National Capital Region, nasa downward trajectory – OCTA

Naiulat ng OCTA Research Group na naobserbahan nito ang downward trajectory sa bilang ng COVID-19 cases sa National Capital Region matapos ang isang linggo ng “unstable trends”.

Naireshistro ng NCR ang reproduction rate na 0.74 mula May 31 hanggang June 6.

Lumabas naman na nasa negative 11% ang one-week growth rate ng NCR na may positivity rate na 9%.

Kaugnay nito ay sinabi ng Department of Health na wala itong balak na i-deploy ang mga healthcare workers (HCWs) mula sa National Capital Region papunta sa iba pang mga rehiyon na nakitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan nilang balansehin ang pagdadagdag ng healthcare workers dahil nasa moderate risk pa rin ang NCR.

Gayunman, ipinunto ni Vergeire na inaassess na nila ang hospital capacities sa mga rehiyon na may matataas na kaso ng COVID-19.

Tiniyak ni Vergeire na patuloy nilang inaalam ang pangangailangan ng mga ospital, at sa katunayan ay nakapagpadala na sila ng mga bagong supplies ng personal protective equipment, mga gamot, at pondo para sa mga ospital sa iba’t-ibang rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *