Bilang ng guro sa SDO Cauayan City na handang magpabakuna, nasa 80% na

Nasa 80 porsyento na sa hanay ng kaguruan sa lunsod ng Cauayan ang handang magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DepEd Cauayan City Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr., lumalabas sa kanilang isinagawang survey na mula sa 1,401 na guro sa lunsod ay 75%-80% na rito ang nais magpabakuna.

Aniya, malaking tulong ang testimonya ng mga gurong nakatanggap ng bakuna upang mawala na ang alinlangan ng mga guro sa pagiging epektibo ng bakuna.

Dagdag pa ni Dr. Gumaru, bilang nasa sektor ng edukasyon ay dapat lamang umano na maging open-minded o bukas sila sa pagbabakuna at manguna sa pangangaral sa mga estudyante at publiko ukol sa epektibo ng bakuna.

Magugunita na kabilang ang mga guro sa group A4 Category list kung saan sinimulan na ngayong araw ang pagbabakuna sa kanila kaya’t nagpapatuloy ang kampanya ng SDO Cauayan sa paghihikayat sa mga natitirang guro na nag-aalinlangan magpabakuna.

Sa ngayon ay nasa 47 ng guro na kabilang sa A3 group o mga senior citizen at may comorbid ang nabakunahan na kontra COVID-19 dito sa Cauayan City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *