Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte patuloy na tumataas

CAMARINES NORTE- Patuloy na naitatala ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Camarines Norte gayundin ang mga nasasawi sa sakit

Sa dalawang magkasunod na araw sa pagpasok pa lamang ng buwan ng Mayo ay naitala na agad ang 23 panibagong kaso ng COVID-19 at isang pagkasawi

14 ang panibagong kaso na naitala nitong unang araw sa buwan ng Mayo (May 01, 2021) kung saan may tig-5 kaso mula sa bayan ng Basud at Daet, 2 ang nagmula sa Sta. Elena habang may tig-isang kaso ang Labo at Mercedes

Habang kahapon (May 02, 2021) ay naitala ang 9 na panibagong kumpirmadong kaso kung saan may 4 na naitala sa bayan ng Labo, tig-2 kaso ang bayan ng Paracale at Talisay habang may 1 ang San Vicente

Sa ngayon ay 116 na ang aktibong kaso  habang umakyat na sa 15 ang nasasawi sa COVID-19 matapos na madagdagan ito sa ulat ng DOH Bicol noong May 1

Ang Camarines Norte ay pumapalo na sa 320 ang total cases ng COVID-19 na may 198 total recoveries

Samantala, umabot naman sa 102 ang nagnegatibo ang resulta matapos sumailalim sa swab testย 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *