Bilang ng lugar na apektado ng El Niño bumaba sa 41

Nabawasan ang bilang ng mga probinsya sa bansa na apektado ng El Niño phenomenon.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Task Force El Niño spokesperson at PCO Asst. Secretary Joey Villarama, mula sa dating 50 provinces 41 na lang ito sa ngayon.

Out of 41 provinces, 17 probinsya dito ang nakararanas ng dry conditions, sampung lalawigan ang may dry spell at 14 na probinsya naman ang nakararanas ng drought.

Karamihan sa mga apektadong probinsya ay mula sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Pagtitiyak naman ni Villarama, tuloy-tuloy ang ginagawang effort ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na kabilang sa task force El Niño para matulungan ang mga apektadong mamamayan lalo na sa sektor ng agrikultura.

Anya, sa agriculture sector on-going na ang pagsasaayos ng mga irrigation canal para mas efficient ang supply ng tubig, pamimigay ng binhi at alternatibong mapagkakakitaan.

Nabatid na sa ikalawang pagpupulong ng task force El Niño, nabanggit ng PAGASA na batay sa kanilang advisory bulletin number 8 mararamdaman ang strong El Niño ngayong buwan ng Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *