Bilang ng mag-aaral, oras sa face-to-face classes, limitado lang

KORONADAL CITY- LIMITADO lamang ang bilang ng mga mag-aaral at oras na gugugulin ng mga ito sa loob ng silid-aralan sa pilot implementation ng face-to-face classes na magsisimula sa November 15.

Ayon kay Antonio Maganto, information officer ng Department of Education o DepEd Region 12 na nakasaad sa joint memorandum ng Department of Health o DOH at DepEd na 16 lamang ang maximum learners na dapat pumasok sa isang classroom para sa Grade 1 hanggang Grade 3, habang 20 mag-aaral naman sa Grade 4 hanggang Grade 12.

Inihayag ni Maganto na hindi rin dapat hihigit sa apat at kalahating oras ang pananatili sa paaralan ng mga estudyante, maliban sa Kindergarten na hindi dapat lalagpas sa tatlong oras.


Sa region 12, siyam na mga paaralan ang kabilang sa pilot run ng face-to-face classes kung saan pito sa mga ito ay nasa Saranggani province habang ang dalawa ay nasa Cotabato province.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *