Bilang ng mga batang edad 5-11 na nabakunahan kontra COVID-19 nasa 15, 683 pa lang sa 68, 347 na target population

CAMARINES NORTE- Umaabot pa lang sa 15, 683 ang mga batang edad 5- 11 na nabakunahan kontra COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa tala ng Provincial Covid-19 vaccination operation center hanggang nitong May 26, 2023 nasa 22.9 % pa lang ito ng target na 68, 347.

Sa ngayon ang Capalonga pa lang ang nakalagpas ng mahigit sa kalahati ng kanilang target na mayroong 56.0 %.

Sa target na 3,775 nasa 2, 113 ang nakatanggap ng bakuna.

Ang bayan ng Mercedes ay mayroong 2,572 o 43.2 % sa target na 5.956 habang ang Basud ay mayroong 1,738 na nabakunahan o 36.2 % ng 4, 805 na target.

Ang pinakamalaiit na bayan ng San Vicente ay mayroon namang 34% na accomplishment.

Ang siyam na iba pang bayan ay hindi pa man lang nakakaabot sa 30 %.

Nakapagtala ng  28.8 % ang Talisay, San Lorenzo Ruiz  28.7, Daet 22. 4 % na may pinakamalaking target population.

Mayroon namang  20.7 %, ang Vinzons, Jose Panganiban 14.3 % Labo 13.1 %, Sta Elena 10.3 % at Paracale na mayroon pa lang 9.3 %.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *