Local News

Bilang ng mga fully vaccinated laban sa Covid-19 sa Sorsogon, higit 24K na

SORSOGON CITY – Umabot na sa 24,613 ang bilang ng mga nabakunahan kontra sa Covid-19 sa lalawigan.

Sa nasabing bilang, 5,970 ang nabigyan ng first dose habang 11,746 ang naturukan ng second dose mula sa Sinovac. Sa nabakunahan naman ng Aztrazeneca sa first dose ay 5,686 habang sa pangalawang dose ay umabot sa kabuuang 1,211, ayon ito sa datos ng Provincial Health Office (PHO).

Ang lahat ng mga nabakunahan ay kinabibilangan ng mga medical frontliners, Barangay officials, senior citizens at mga empleyado ng ilang pribadong sektor na nasa kategorya ng essential business.

Patuloy namang hinihikayat ng PHO ang mga kabilang pa sa A1 hanggang A3 priority groups na magpabakuna na.

Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Routine patrol at maritime surveillance sa silangang bahaging karagatan ng Pilipinas, hinimok ng ilang mambabatas

Inihain sa House of Representatives ang isang resolusyon na humihimok sa Armed Forces of the…

31 mins ago

Strip search ng Bilibid – inireklamo ng dalawang maybahay sa CHR dahil nakakababa ng dangal

SENSITIBONG BALITA: Inireklamo ng dalawang maybahay ng mga bilanggo ang isinagawang strip search sa New…

39 mins ago

Lalaki, patay matapos sasaksakin ng sarili nitong ama sa Navotas

Patay ang isang lalaki matapos nitong magtangkang pigilan ang isang away sa pamilya. Ang suspek:…

48 mins ago

Higit P80M halaga ng ecstasy tablet na isinilid sa isang parcel ng dog food – nakumpiska sa Pasay City

Nasabat ng magsanib-puwersang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),…

1 hour ago

Malaking dam at main canal sa Calabanga, Camarines Sur , may mga bara!

NAGA CITY –Nakabarang mga dahon, sanga ng mga kahoy at iba pang klase ng mga…

1 hour ago

30 pesos kada kilo ng bigas, posibleng maramdaman na sa Hulyo – Kamara

Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na target nilang ipatupad ang 30 pesos kada kilo…

1 hour ago