Bilang ng mga fully vaccinated laban sa Covid-19 sa Sorsogon, higit 24K na

SORSOGON CITY – Umabot na sa 24,613 ang bilang ng mga nabakunahan kontra sa Covid-19 sa lalawigan.

Sa nasabing bilang, 5,970 ang nabigyan ng first dose habang 11,746 ang naturukan ng second dose mula sa Sinovac. Sa nabakunahan naman ng Aztrazeneca sa first dose ay 5,686 habang sa pangalawang dose ay umabot sa kabuuang 1,211, ayon ito sa datos ng Provincial Health Office (PHO).

Ang lahat ng mga nabakunahan ay kinabibilangan ng mga medical frontliners, Barangay officials, senior citizens at mga empleyado ng ilang pribadong sektor na nasa kategorya ng essential business.

Patuloy namang hinihikayat ng PHO ang mga kabilang pa sa A1 hanggang A3 priority groups na magpabakuna na.

Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *