Bilang ng mga inilikas na hayop sa Daraga at Malilipot dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, pumalo sa humigit-kumulang 90

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa humigit-kumulang 90 na mga hayop ang inilikas sa bayan ng Daraga at Malilipot dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Batay sa tala ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol, nasa 89 ang kabuuhang bilang ng mga nasabing hayop.

Pinakamarami rito ay ang Daraga na may 81 at binubuo ng mga kalabaw at cattle, habang sa bayan ng Malilipot ay mayroong 8.

Inaasahan din na ang nasabing bilang ay maaari pang madagdagan dahil hindi pa lahat ng mga hayop sa mga bayan na apektado ay naililikas na sa evacuation center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *