Bilang ng mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte ngayong linggo nasa 1, 551

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 1, 551 ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong linggo o mula March 21 hanggang March 24, 2022.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center.

Pinakamarami ang nabakunahan noong March 22 na mayroong 573 at 450 noong March 21.

Sa kabuuan umaabot na sa 67 % ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan mula March 2021 hanggang March 24, 2022 sa 508, 737 population.

Sa Priority Group A2 o senior citizen nasa 35, 192 o 64 % ng 55, 004 ang nabakunahan.

Sa mga edad naman na 18- 59 taong gulang nasa 241, 278 ang nabakunahan o 73 % ng target na 330, 178.

Mataas- taas na rin ang mga nabakunahan sa pediatric population 12- 17 na nasa 58, 598 o 75 % ng 78, 413.

Sa edad 5- 11 na nakakadalawang linggo pa lang ng pagbabakuna ay nasa 2, 350 o dalawang porsiento ng target na 97, 638.

Patuloy naman ang panghihikayat ng Department of Health sa mga hindi pa nagpapabakuna na makipag ugnayan sa pinakamalapit na health center para mabakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *