Local News

Bilang ng mga nabigyan ng fuel subsidy sa Bacacay, Albay, pumalo na sa mahigit 500

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng LGU Bacacay ng fuel subsidy na nagkakahalagang PHP3,000 sa mga rehistradong mangingisda na may bangkang de motor.

Ayon kay John Paul Serrano, head ng Municipal Agricultures Office, umabot na sa 576 na mangingisda ang nabigyan nila ng nasabing subsidy.

Aniya, isa ang bayan sa may pinakamaraming rehistradong fisher folks na umaabot sa mahigit 3,000 mangingisda.

Ang programang ito ay alinsunod sa kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga mangingisdang naapektuhan ng pagtaas ng inflation rate sa rehiyon.

Sinabi pa ng opisyal, posible ring madagdagan pa ang bilang ng mga mangingisdang mabibigyan ng subsidy sa budget na ibibigay ng BFAR.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Mahigit 500 milyong pisong halaga ng infra projects, pakikinabangan ng mga kasundaluhan sa rehiyon

BNFM Bicol – Inaasahang mapapakinabangan na simula sa susunod na taon ang nasa mahigit kalahating…

36 mins ago

43 anyos nga lalaki nga nisurrender sa iyang armas nakadawat ug usa ka sakong bugas.

Nakadawat ug usa ka sakong bugas ang usa ka 43 anyos nga lalaki homan gisurrender…

41 mins ago

Baybaying dagat ng Milagros, Masbate, positibo pa rin sa Toxic Red Tide

Positibo pa rin sa toxic red tide o Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) ang coastal waters…

47 mins ago

House Ethics Committee, magkakasa ng pagdinig laban kay ex-speaker Alvarez

Kinumpirma ni Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon na iimbestigahan na ng House Committee on…

48 mins ago

Rice Tariffication Law, target na maipasa sa committee level sa Kamara sa susunod na linggo

Ibubuhos na ng mga kongresista ang kanilang panahon upang madaliin ang pag-apruba sa mga panukalang…

1 hour ago

Pagbabalik sa dating school calendar, tiyak na makatutulong umano na maiwasan ang tindi ng init sa mga susunod na taon

Naniniwala si Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Senador Win Gatchalian na napapanahon na para…

1 hour ago