Bilang ng mga nagpa rehistro na sa National ID system sa Catanduanes, nasa mahigit 20,000 na

Catanduanes, Bicol —Nasa mahigit 20,000 na ang bilang ng mga indibidwal sa Catanduanes na nakapag pa rehistro sa National ID system.

Batay sa tala ng Philippine Statistic Authority-Catanduanes, simula nang umarangkada ang registration nitong Hunyo 5, 2021, nasa kabuuang 20,454 katao na ang mga nagpa rehistro mula pa lamang sa tatlong bayan ng lalawigan partikular sa mga bayan ng Virac, Bato at San Andres.

Ayon kay Chief Statistic Specialist – Anavi F. Camacho, pinakamarami sa mga nagpa rehistro ay mula sa kabiserang bayan ng Virac na may 38% mula sa 12 barangay; 32% sa San Andres mula sa walo nitong barangay habang 29% naman sa bayan ng Bato mula sa 13 nitong barangay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy din aniya ang mobile registration  ng ahensya para sa mga barangay na malayo sa mga registration sites habang patuloy rin ang kanilang pagsusumikap na maabot ang iba pang mga bayan sa Catanduanes.

Siniguro naman ng opisyal sa lahat ng mga nagpapatala na wala umanong dapat na katakutan dahil mananatiling secure ang kanilang impormasyon bunsod na rin ng pinagtibay na Data Privacy Act.

Malaking bagay ang pagkakaroon ng National ID system dahil ito na lamang ang gagamitin sa mga transaksiyon sa tanggapan ng gobyerno at maging sa mga pribadong tanggapan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *