Bilang ng mga nagsumite ng signature pages para sa People’s Initiative, nadagdagan na

Umabot na sa higit-kumulang 600 ang bilang ng mga nakapagpasang munisipalidad at siyudad ng mga pirma sa Commission on Elections (Comelec) para sa isinusulong na people’s initiative upang amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, patuloy nilang kina-classify ang mga pirma kung saang distrito ang mga ito kabilang.

Sa katunayan aniya ay sino-sort out pa rin ng main office kung saang distrito kabilang ang mga munisipalidad at siyudad na nagpasa ng kanilang mga forms.

Sinabi ni Garcia na nananatiling bukas ang mga local offices ng ahensya para tumanggap ng mga signature forms.

Mababatid na una nang tiniyak ng opisyal na tutugunan nila ang kanilang tungkulin para sa isinusulong na People’s Initiative, kahit sa gitna ito ng patong-patong na mga inisyatibo ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *