Bilang ng mga nasawi sa COVID- 19 sa Camarines Norte mula noong 2020 pumalo sa 276

CAMARINES NORTE- Pumalo sa 276 ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa COVID- 19.

Batay ito sa datos ng Provincial Health Office mula noong 2020 kung saan lumalabas na walang naitatalang nasawi sa pagpasok ng 2023.

Sa datos, pinakamarami ang nasawi sa Daet na may 69 at Labo na mayroong 49.

Sinusundan ito ng Talisay na may 24, Jose Panganiban 23, Basud at Mercedes 22 at Paracale na may 20.

Ang Vinzons naman ay may 18, Sta Elena 10, Capalonga 7 at kapwa may 6 ang San Lorenzo Ruiz at San Vicente.

Samantala, ngayong taon ay nasa 11 kumpirmadong kaso ng COVID- 19 ang naitala sa lalawigan makaraang makapagtala ng panibagong apat na kaso noong Miyerkules sa 116 na spicemen samples na isinumite ng probinsiya sa Regional Laboratory mula Enero.

Kahapon ay walang bagong kasong naitala sa lalawigan batay sa COVID daily update ng Department of Health.

Inilabas naman ang triage sa Camarines Norte Provincial Hospital kung saan dito muna sasalain ang mga pasyente bago papasukin sa ospital.

Ang hakbang na ito ay dahil na rin sa muling pagkakaraoon ng mga positibong kaso ng COVID- 19 sa probinsiya upang maiwasan ang hawaan.

Ayon naman kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Tony EspaƱa may mga mini- maintain pa rin naman daw ngayong isolation facility.

Ang hindi lang umano na- maintain ngayon ay yaung mga nasa barangay pero mayroon naman daw mga ginagawang strategy partikular sa mobilization ng Barangay Health Emergency Response Team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *