Bilang ng mga nasawi sa landslide sa Davao de Oro, umakyat na sa 54

Sa ikalimang araw ng rescue operations, umakyat na sa 54 ang bilang ng mga nasawi sa landslide na tumama sa Maco, Davao de Oro noong Pebrero 6.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Davao de Oro, nakarekober ng 54 na bangkay kagabi ang Maco Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Bumaba naman ang bilang ng mga nawawala, mula sa 83 na naunang iniulat ng pambansang pulisya na ngayon ay 63 na lamang.

Samantala, nag-iwan ito ng kabuuang P738.6 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, nagtamo ang Caraga ng P473 milyong halaga ng pinsala sa 32 pasilidad sa imprastraktura, kasunod ng Davao Region na may P265.6 milyon, dahil naapetkuhan ang 134 na pasilidad sa imprastraktura.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *