Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Japan, umakyat na sa 92

Itinaas na sa 92 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa kamakailang paglindol sa Japan, habang 242 pa rin ang nawawala.

Libu-libong mga rescuer ang patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga aftershock habang patuloy pa rin ang search and rescue operations sa mga biktima ng nasabing kalamidad.

Maalalang ang port city Wajima sa Noto Peninsula ang isa sa mga pinakamatinding tinamaan, na hanggang ngayon ay nababalot pa rin ng mga masangsang na amoy ng uling matapos masunugan ang ilang residente.

Humigit-kumulang 30,000 kabahayan naman ang wala pa ring  suplay ng kuryente sa rehiyon ng Ishikawa, at 89,800 na mga tahanan doon at sa dalawang kalapit na rehiyon  nito ay wala namang tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *