Bilang ng mga Pilipino na fully-vaccinated na laban sa COVID-19, nasa mahigit 1-million na

Lumampas na sa 1-million mark ang bilang ng mga Pilipino na fully vaccinated na laban sa COVID-19 base sa ulat ng Department of Health.

Sinabi ng ahensya sa huli nitong vaccine statistics na noong May 25 ay umabot na sa 1,029,261 ang bilang ng mga fully vaccinated na dito sa bansa.

Kaugnay nito ay nagawa ng gobyerno na makapagturok ng mahigit 4.4-million COVID-19 shots mula nang masimulan ang inoculation program nito noong Marso.

Mula sa nasabing bilang ay nasa mahigit 3.4-million ang unang vaccine doses.

Inihayag rin ng DOH na umabot sa 145,243 ang average ng daily vaccination noong nakaraang linggo.

Gayunman, mas mababa ito kumpara sa presentation ni testing czar Vince Dizon sa media noong May 25 kung saan ay sinabi nito na ang average na bilang ng mga tao na nababakunahan araw-araw ay nasa 170,069.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *