Bilang ng mga pulis na nasangkot sa iligal na droga, hindi raw alarming

Hindi alarming ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang bilang ng mga pulis na nasangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Gen. Acorda, ito’y dahil maliit lang aniyang porsyento o katumbas lamang ito ng 0.25 percent ng buong police force.

Sa inilabas na record ng PNP, umabot sa halos 1000 ang mga pulis ang nasibak sa serbisyo mula July 1, 2022 hanggang Jan 3, 2024.

Sa bilang, 65 ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga habang 43 naman ay dawit sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, pinabibilisan naman ni Acorda ang pag-iimbestiga sa 177 police officers sa Metro Manila na nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy ang kanilang internal cleansing sa hanay ng PNP.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *