Bilang ng nagpaparehistro sa LTO RO2, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga nagpaparehistro sa mga opisina ng land transportation office sa Rehiyon dos mula nang nagsimula ang pandemya dahil sa mga Quarantine restrictions na umiiral.

Ito ang kinumpirma ni LTO RO2 Assisant Regional Director Manuel Baricaua sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, dahil sa limitadong paglabas ng tao ngayong pandemya ay iilan na lamang umano ang nagtutungo sa kanilang ahensya upang magparehistro o mag renew ng kanilang mga lisensya at sasakyang expired na ang rehistro.

Ito umano ang dahilan kaya bumaba ang transactional mandates ng LTO RO2 kaya’t sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang kampanyang balik rehistro at lisensya.

Dahil dito ay nanawagan si Ass. RD Baricaua sa mga hindi pa nakakapagrenew ng lisensya at rehistro na maari nang magtungo sa kanilang opisina anumang oras kumpletuhin lamang ang mga hinihinging requirements upang mapabalis ang transakyon.

Samantala, nagpapatuloy naman ang mga isinasagawang interbensyon ng ahensya gaya na lamang ng road safety advocacy lalo na umano sa parte ng Cabarroguis, Quirino at City of Ilagan Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *