Bilang ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte patuloy na bumababa

CAMARINES NORTE- Patuloy na nagpapakita ng pagbaba sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte

Nitong weekend sa ipinalabas na case bulleting report ng DOH Bicol  Nakapagtala na lamang 12 na bagong kaso at 12 recoveries ng COVID-19

7 bagong kaso ay naitala nitong sabado habang 5 kaso ang naitala kahapon ng linggo

Ang bayan ng Daet at Labo ay  may tig-tatlong bagong kaso,  na sinundan ng Basud  na nkapagtala ng 2 habang May tig-i- isang kaso naman ang mga bayan ng  Mercedes, Paracale, Jose Panganiban at Vinzons  

Sa kasalukuyan ang lalawigan ng Camarines Norte ay may 625 na aktibong kaso

Umakyat naman ang bilang ng mga  pasyenteng gumaling sa sakit sa 3,199 habang nananatili sa 201 ang bilang ng mga nasawi  dahil sa COVID-19

Sa ngayon ang Camarines Norte ay mayroong 4,025 total cases

Sa pagpasok ng unang linggo ng Pebrero ay nagpakita ng pagbaba sa naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan matapos naman ang pagtaas ng bilang nito sa unang tatllong linggo ng Enero

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *