Bilang ng namatay na mga miyembro ng Dawlah Islamiya sa Lanao del Sur – umakyat pa sa 9

Umakyat na sa siyam ang bilang ng mga namatay sa panig ng Dawlah Islamiya – Maute ISIS=inspired terrorist group matapos ang unang bugso ng focused military operations na naganap sa Barangay Tapurog, Piagapo, Lanao del Sur nitong nagdaang araw.

Ayun sa report ni Brigadier General Yegor Rey Baroquillo Jr Brigade Commander ng 103rd Infantry “Haribon” Brigade, natuklasan ang pang siyam na bilang ng mga fatality sa clearing operations sa naturang lugar.

Ayon kay Baroquillo, dagdag na natuklasan ang dalawang Improvised Explosive Device tulad ng ginamit sa pagpasabog ng Mindanao State University – Gymansium sa Marawi City nuong Desyembre 3 sa nakaraang taon at pagbomba sa dalawang tore sa National Grid Corporation of the Philippines sa Kauswagan, Lanao del Norte .

Dagdag nito, apat na radio transcievers din ang nakuha ng militar sa nasabing lugar.

Sa ngayon patuloy pa rin ang military operations upang tugisin ang iba pang kasamahang terorista na nasa boundary ng dalawang probensya ng Lanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *