Bilang ng nasawi sa 6.5 magnitude na lindol sa Ecuador at Peru, umakyat na sa 15

Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga nasawi matapos ang 6.5 magnitude na lindol sa Ecuador at Peru.

Ayon sa mga awtoridad, naitala ang epicenter ng lindol sa Ecuadoran municipality ng Balao malapit sa hangganan ng Peru.

Labing apat ang iniwang patay ng lindol sa timog-kanlurang lalawigan ng El Oro at Azuay habang isang apat na taong gulang na batang babae naman ang namatay matapos mahampas ng bato.

Nagtungo na sa mga apektadong rehiyon si Ecuador President Guillermo Lasso at nangakong agad na isasaayos ang mga nasirang mga gusali at pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *