Bilang ng Pilipinong naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa-bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalaang ‘nasa tamang direksyo’ ang bansa.

Sa 2023 3rd Quarter Survey on Optimism ng OCTA Research – lumabas na 62% ng mga respondents ang naniniwalang patungo sa tamang direksyon ang Pilipinas – kung pagbabasehan ang mga programa, mga polisiyang inilahad, at mga ginawa’t ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon.

Mas mababa ito mula sa 72% na positibong tugon sa 2nd Quarter Survey ng OCTA.

Samantala, 20% naman ang mga nagsabing nasa maling direksyon ang tinatahak na direksyon ng Pilipinas – mas mataas mula sa 11% noong 2nd Quarter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *