Local News

Bilang ng tinamaan ng dengue sa Olongapo umabot na sa mahigit limampu

OLONGAPO-Umabot na sa limampu katao ang bilang ng mga tinatamaan ng dengue sa lungsod ng Olongapo.

Ito ay simula ng Enero hanggang ngayong buwan ng Hunyo base sa talaan ng Olongapo City Health Office.

Kabilang sa mga barangay na may pinakamataas na bilang sa ngayon ay ang Barangay Sta. Rita na nasa 12 katao, Barangay Baretto na nasa labing isa at Barangay Gordon Heights na may syam.

Ayon sa City Health sa ngayon ay kontrolado pa naman ang bilang ng mga tinatamaan ng dengue dahil agad naman nagsasagawa ng disinfection ang opisina at ang iba naman dito ay gumaling na.

Payo lang ng CHO na panatilihin ang paglilinis tuwing alas kwatro ng hapon para masugpo ang pagdami ng mga lamok na nagiging dahilan ng sakit.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

BNFM Olongapo

Recent Posts

Balikatan exercise – opisyal nang nagtapos

Itinuring na isang tagumpay ang 39th Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at…

2 hours ago

Cong. LRay Villafuerte – kumpyansang susuportahan ng mayorya ang pag-reschedule ng 2025 BSKE sa 2026

Positibo si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na makakukuha siya ng suporta sa kanyang isinusulong…

3 hours ago

NSA Año: kailangan ng aksyon sa nagsabing may ‘phone call’ sa pagitan ng China at ng WesCoM

Nanawagan ang National Security Council (NSC) sa Department of Foreign Affairs (DFA) na bigyan ng…

3 hours ago

AFP, walang imbestigasyon sa nag-leave na WESCOM Chief na si Vice Adm. Carlos

Nire-respeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang leave of absence ni Vice Adm.…

3 hours ago

PBBM – walang nababalitaang destab plot laban sa kanya mula sa mga active police

Wala umanong natatanggap na report si Pangulong Bongbong Marcos na may nilulutong destab plot ang…

3 hours ago

PNP, sinisilip ang pagkasangkot sa hacking ng govt websites ng POGO sa Tarlac

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyong sangkot sa surveillance at hacking sa…

3 hours ago