International

Delta variant, kumakalat na rin sa South Africa

Patuloy ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant sa South Africa kung saan nagdulot na ito ng pagtaas ng COVID-19 cases doon.

Ayon sa gobyerno ng South Africa, muling nagkaroon ng covid-19 surge sa kanilang bansa ngayong buwan kung saan nakapagtala noong Sabado ng 18,762 new covid-19 cases, pinakamataas na kasong naitala sa isang araw mula pa noong buwan ng Enero.

Dahil dito, pumalo na sa 1,895,905 ang kabuuang kaso ng sakit sa South Africa habang 59,621 naman ang mga nasawi.

Ayon kay Tulio de Oliveira ng Network for Genomic Surveillance sa South Africa, nasa “exponential phase ng pandemya ang bansa kung saan kada linggo ay patuloy sa pagtaas ang mga kaso doon.

Sinabi naman ni Koleka Mlisana, head ng government ministerial advisory committee on Covid-19 sa South Africa, upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, kakailanganin muli nilang magpatupad ng mas mahigpit na covid-19 restrictions.

Mababatid na naaalarma ang buong mundo sa mabilis na pagkalat ng Delta variant na unang naitala sa India.

Una na ring sinabi ng World Health Organization na ang nasabing variant ang pinakanakahahawang COVID variant na kumalat na sa 85 mga bansa

BNFM Batangas

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago