Bilanggo at multang 500K sa pag-promote ng gambling materials online, isinusulong sa Senado

Naniniwala si Senador Robin Padilla na isa sa mga tungkulin ng estado ay panatilihin ang ‘good order’ at ‘public order’ ng kanyang nasasakupan.

Kaugnay nito, pormal siyang naghain sa Senado ng resolusyong naglalayong ipagbawal ang pagpo-promote ng mga gambling materials online.

Ito ay matapos ang di umano’y paglipana nito sa mga social media platforms na siyang nagdudulot ng problema sa relasyon ng magpapamilya, financial status at maging pag-uugali ng ilan.

Alinsunod nito, sa ilalim nito ay maaring patawan ang sinumang lalabag ng anim na buwan hanggang isang taong pagkakulong o di kaya’y multa na hindi baba sa P300,000 o hindi tataas sa kalahating milyon.

Maalala, kamakailan ay pinaiimbestigahan din ng Senate Committee on Games and Amusement ang paglaganap ng illegal online gambling sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *