Bilateral exercise sa pagitan ng PH at Australia, magbubukas sa susunod na linggo sa Palawan

Sa Palawan idaraos ang military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Australia na magsisimula sa susunod na linggo.

Ayon sa AFP-Western Command , ang Dawn Caracha 2023 bilateral execise ay magbubukas sa October 16 at magtatapos sa October 27.

Ang 12-day exercise na gagawin sa El Nido, Palawan ay may layong mapalakas ang cooperation at interoperabillity ng special operation forces ng Philippine Army at Australian defense.

Pangunahing tututukan nito ang pagsasagawa ng counter-terrorism operations at special operations.

Maalalaang , nilagdaan ng Australia at Pilipinas ang Status of Visiting Forces Agreement noong 2007 o 11 taon matapos lagdaan ng Pilipinas at US ang Visiting Forces Agreement.

Ang mga kasunduang ito ay nagbibigay ng legal framework para sa pagsasagawa ng military exercises sa pagitan ng dalawang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *