Billing rate sa kuryente noong Agosto na babayaran ngayong buwan bumaba

CAMARINES NORTE – Bahagyang bumaba ang billing rate sa kuryente noong Agosto na babayaran ng mga kunsumidores ng Camarines Norte Electric Cooperative ngayong  Setyembre.

Ito ang inanunsiyo ng naturang kooperatiba ng kuryente sa pamamagitan ng kanilang official social media account nitong Lunes, Setyembre 5.

Ayon sa Canoreco bumaba ng P0.0532 per kwh ang billing rate noong Agosto sa residential na nasa P14. 8432 per kwh kumpara sa P14. 8964 per kwh noong Hulyo.

Ang rate  sa Commercial low voltage ay nasa P13. 8896 per kWh na bahagyang mas mababa sa P13. 9429 per kWh at ang high voltage rate naman ay nasa P12. 0912 per kWh kumpara sa Php12.1874 per kWh noong Hulyo.

Paliwanag ng Canoreco na ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng blended generation charge at system loss charge.

Ang taripa ng kuryente ay binubuo ng iba’t ibang components  (unbundled) alinsunod sa Republic Act 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Sa pagpapatupad umano ng probisyon ng Republic Act no. 9337, may mga pagbabago na itinakda ayon sa National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.

Ito ay ang implementasyon ng Value Added Tax o VAT sa taripa ng kuryente na nagsimula noong November 2005 billing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *