Binabantayang kaulapan – isa nang ganap na LPA

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang nabuong low pressure (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ito sa layong 1, 865 kilometro silangan ng Southern Mindanao.

Samantala ngayong araw, northeast monsoon o amihan at easterlies pa rin ang magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes dhail sa amihan.

Apektado rin nito ang nalalabing bahagi ng bansa, kaya posible ring makaranas ng katamtaman hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Kaparehong panahon din ang inaasahan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, bunsod naman ng easterlies at localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *