Binabantayang LPA – isa nang bagyo; Tatawaging #KabayanPH

Isa nang tropical depression ang binabantayang LPA kaninang umaga.

Huling namataan ito sa layong 1,540 kilometro silangan ng southeastern Mindanao.

Taglay ng tropical depression ang hangin na 45 kph, at bugsong aabot ng 55 kph.

Sa oras na makapasok na ito sa Philippine Area of Responsibility, tatawagin na itong bagyong Kabayan.

Bukod dito, asahan ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Aurora, Quezon, at Northern Samar dahil sa shear line.

Patuloy ding mararamdaman ang Northeast Monsoon o amihan sa bahagi ng Cagayan Valley at Apayao na siyang makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang mga pag-ulan dala naman ng amihan.

Apektado rin nito ang bahagi ng Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region kaya asahan ang katamtaman hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *