Binabantayang LPA – posibleng mag-develop na bilang Bagyong #JennyPH ngayong hapon o gabi

Inaasahang ngayong hapon o gabi ay mag-develop na bilang isang ganap na bagyo ang isang binabantayang low pressure area.

Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,520 kilometro silangan ng Central Luzon.

Tatawagin naman itong Bagyong #JennyPH sa oras na lumakas pa ito at maging isang bagyo.

Ngayong weekend – patuloy pa rin nitong hahatakin ang umiiral na Hanging Habagat, at iaasahang tutumbukin ang direksyon ng extreme Northern Luzon sa susunod na linggo.

Sa ngayon, patuloy pa ring magpapa-ulan ang trough, ‘o ‘yung extention ng LPA sa eastern sections ng Visayas at sa Mindanao parikular na sa Eastern at Central Visayas.

Sa Palawan, Zamboanga Peninsula, Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan pa rin ang mga kalat-kalat na pag-ulang dulot ng Habagat, pati na rin ang mga localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *