Binabantayang LPA, posibleng maging isang bagyo

Patuloy pa ring magpapaulan ang binabantayang Low Pressure Area at ang shear line sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw ng Huwebes.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,010 kilometro silangan ng Mindanao.

Inaasahan ding magiging isa itong ganap na bagyo sa loob ng dalawang araw.

Sa ngayon, asahan na ang mga kalat-kalat na mga pag-ulan na mayroong kasamang kidlat at kulog dulot ng shear line at ‘yung trough ng LPA sa bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Eastern Visayas, CARAGA, at sa Davao Region.

Asahan din ang mga bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin dulot ng buntot ng LPA sa bahagi ng Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Central Visayas, Catanduanes, Albay, Masbate, at sa Sorsogon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, may tiyansa pa rin ng mga pag-ulan lalo na sa hapon at gabi dulot ng mga localized thunderstorms.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *