Binahahang lugar sa Caloocan, pinatutukan ng LGU

Nagsagawa ang pamahalaang panlunsod ng Caloocan ng Kadiwa ngayong araw na simimulan kaninang alas 7 ng umaga at nagtagal naman hanggang alas 4 ngayong hapon.

Isinagawa ito sa SDC Covered Court ng Caloocan City Hall -North at hindi naman nagpatinag ang mga maninirahan sa lugar na sinamantala ang mababang presyo gulay, prutas, bigas at marami pang produkto.

Samantala, nagkaroon ng inspeksyon ang pamahalaang panlunsod ng Caloocan sa ilang mga lugar na binaha lalo na at sunod-sunod ang pagpasok ng Bagyo sa bansa.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Along Malapitan ang City Engineering Department na magsagawa ng mga operasyon at proyekto upang maiwasan ang pagbaha.

Nabatid na nakipag-ugnayan din ang LGU sa Metro Rail Transit (MRT) at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang malutas ang pagbaha sa Quirino Highway na naging dahilan ng mabigat na trapiko sa bahagi ng Amparo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *