Binata na may kasong qualified theft at carnapping sa Parañaque City, arestado sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Hawak na ng Legazpi Police Station ang isang binata na nahaharap sa dalawang kaso sa Parañaque City matapos itong mahuli sa Purok 3, Brgy. San Roque, Legazpi City.

Kinilala ang akusado si Chan Christel Esterninos Ecal, 23 anyos, residente ng Purok 1 ng nasabing barangay.

Ayon sa report, pinuntahan ng mga otoridad ang kinaroroonan ng akusado upang isilbi ang warrant of arrest na pirmado ni Hon Ma. Christina De Pio Lim, Acting Presiding Judge, RTC Branch 296, Parañaque City noong Oktubre 11, 2023 dahil sa mga kasong qualified theft na may piyansang PHP24,000 at carnapping na may PHP300,000 na piyansa.

Agad itong dinala sa nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon at nakatakda ring ibalik sa kanyang court of origin upang harapin ang mga kasong isinampa laban sakanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *