Binata nasunog dahil sa overcharged na cellphone

Nasunog at nasawi ang isang binata sa dahil umano sa overcharged na cellphone sa Brgy. Linawan, Bansalan, Davao del Sur, Sabado ng gabi.

Kinilala ng Bansalan Municipal Police Station ang biktima na si Almiko Jason Alilin, 21 taong gulang na residente sa nasabing lugar.

Napagalaman sa imbestigasyong ng pulisya na galing umano sa inuman ang biktima at natulog sa kanyang silid nang biglang nasunog ang kanilang bahay dahil umano sa cellphone na naiwan habang nakasaksak ang charger.

Posible umanong hindi agad nagising ang biktima dahil nakainum ito bago paman natulog nang masunog ang kanilang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *