Binata, patay matapos masagasaan ng tren kagabi sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Dead on the spot ang isang binata matapos itong masagasaan ng tren kagabi sa Purok 3, Brgy. Sugcad, bayan ng Polangui, Albay.

Ang biktima, isang 21 anyos na lalaki.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Polangui EMS-QRT Supervisor Christopher Encisa, sinabi niya na nakatanggap sila ng tawag pasado alas 7 kagabi tungkol sa nasabing insidente na nangyari alas syete-syete ng gabi.

Ayon kay Encisa, malayo ang tirahan nito sa riles at noong mga oras na iyon nakikilamay siya sa isang kapamilya malapit sa lokasyon ng riles.

Sa natanggap ding impormasyon ni Encisa mula sa PNP, posibleng mayroong inutos sa biktima na puntahan sapagkat naabutan nila itong may barya sa kamay.

Hirap din umanong makapag-conclude ang PNP sa ngayon dahil walang nakasaksi sa mismong insidente.

Napag-alaman din na loner at hindi masyadong lumalabas ng bahay ang biktima.

Kinumpirma rin ni Encisa na hindi nakainom ang biktima.

Samantala, magpapatawag ng pulong si Mayor Adrian Salceda upang alertuhin ang mga barangay officials nang sa gayaon ay hindi na maulit ang ganitong aksidente.

Ito na aniya ang pangawalang insidente na may nasagasaan ng tren sa nasabing bayan.

Kung babalikan kasi, isang 29 anyos na lalaki ang patay nang masagasaan ng tren sa Brgy. Apad noong Nobyembre 6 ng nakaraang taon, kung saan, ang biktima’y inatake ng epilepsy habang tumatawid sa riles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *